Ex-DILG Sec. Roxas, tinangkang mag-resign sa gitna ng Mamasapano incident

 

Inquirer file photo/AP

Dalawang ulit umanong tinangka ni dating DILG Secretary Mar Roxas na magbitiw sa kanyang puwesto bilang Kalihim sa kasagsagan ng Mamasapano incident ngunit dalawang ulit din itong tinanggihan ng Pangulong Aquino.

Ito ang isiniwalat ni Roxas sa kanyang pagharap sa presidential forum na inorganisa ng mga negosyante ng Makati City.

Ayon kay Roxas, sa magkahiwalay na pagkakataon, kanyang sinabi sa Pangulo ang kanyang hangarin na lisanin ang pagiging DILG Chief.

Gayunman, tumanggi aniya ang Pangulo sa kanyang alok at sinabing buong akala nito ay naipabatid sa Kalihim ang mga plano hinggil sa Oplan Exodus.

Iginiit din ni Roxas na wala siyang naging hinananakit sa Pangulo dahil hindi ipinaabot sa kanya ang mga plano hinggil sa Mamasapano Operation.

Ang masakit lamang aniya ay ang naging resulta nito kung saan nasawi ang 44 na Special Action Force Commandos.

Read more...