Mick Foley, nagpositibo sa COVID-19

Hindi rin nakaligtas ang Wrestling legend na si Mick Foley sa COVID-19.

Sa Twitter, inanunsiyo ni Foley, na kilala bilang “Mankind” sa WWE, na nagpositibo siya sa nakakahawang sakit kasunod ng virtual signing noong December 12, 2020.

Nananatili aniya siyang naka-isolate sa isang hotel room sa nakalipas na 18 araw.

Sa ibinahaging video, sinabi rin ni Foley na hindi niya nakasama ang kaniyang pamilya sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon dahil sa naturang sakit.

Bunsod nito, nagpaalala si Foley na huwag balewalain ang virus at maging maingat sa lahat ng oras.

“Please continue to take this virus seriously – mask up, social distance, look out for one another,” nakasaad pa sa tweet nito.

Read more...