Walang naranasang sunog sa NCR bunsod ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon – BFP

Mas naging ligtas ang pagsalubong sa Bagong Taon sa National Capital Region kumpara noong 2020, ayon sa Bureau of Fire and Protection (BFP).

Sinabi ng ahensya na walang naitalang sunog dulot ng paputok sa selebrasyon ng pagpasok ng taong 2021.

Batay sa datos ng BFP, bumaba ng 73.17 porsyento ang fire incidence sa kasagsagan ng Salubong 2021 mula 8:00 ng umaga ng December 31, 2020 hanggang 8:00 ng umaga ng January 1, 2021.

Nasa 11 lamang na maliliit na sunog ang naitala kumpara sa 41 insidente ng sunog noong Salubong 2020.

Sa 11 sunog, lima ang napaulat na structural fires kung saan tatlo rito ay may nadamay na bahay.

Tiniyak naman ng BFP NCR na mananatili silang nakahanda upang tugunan ang tungkulin hindi lamang tuwing may selebrasyon kundi sa buong taon.

Read more...