OVP, namahagi ng relief packs sa mga nasunugan sa QC

Photo credit: VP Leni Robredo/Facebook

Namahagi ang Office of the Vice President (OVP) ng relief packs sa mga nasunugan sa Quezon City.

Sumiklab ang sunog sa bahagi ng Barangay Culiat noong Martes ng gabi, December 29.

Namahagi ang grupo ng OVP sa araw ng Sabado, January 2.

Ibinahagi ni VP Leni Robredo sa Facebook ang mga larawan ng pagtanggap ng mga apektadong residente ng relief packs.

Nagpasalamat naman si Robredo sa kanilang Angat Buhay partners sa pakikiisa upang makapaghatid ng tulong.

Photo credit: VP Leni Robredo/Facebook
Read more...