BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 476,916

Lagpas 1,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (January 2), umabot na sa 476,916 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 27,721 o 5.8 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,097 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

82.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.8 porsyento ang asymptomatic; 0.43 porsyento ang moderate; 2.6 porsyento ang severe habang 4.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa lima naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 9,253 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 47 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 439,942 o 92.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...