Karagdagang 36 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.
Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Sabado ng tanghali (January 2), umakyat na sa 24,948 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 298 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Tondo 1 na may 47 active cases.
Sumunod dito ang Sampaloc at Malate na may 45 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Samantala, 31 naman ang itinuturing na probable cases sa lungsod at 58 ang suspected cases.
Umabot naman sa 23,900 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 750 ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.
MOST READ
LATEST STORIES