Halaga ng naibigay na Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2, umabot na sa P204.4-M

Inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pinakahuling datos ukol sa implementasyon ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2 o ang Bayanihan to Recover as One Act.

Sa datos hanggang sa huling araw ng taong 2020 hanggang 8:00 ng gabi (December 31), umabot na sa 38,560 na pamilyang benepisyaryo sa granular lockdown ang nabigyan ng ayuda.

Dahil dito, umabot na sa higit P204.4 milyon ang naipamahagi ng kagawaran.

Samantala, higit P1.6 bilyon naman ang naipamahagi sa 241,623 na karagdagang benepisyaryo.

Tiniyak ng DSWD na patuloy pa rin ang pamamahagi ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2.

Read more...