Magnitude 3.7 na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Tumama ang magnitude 3.7 na lindol sa Surigao del Norte, Sabado ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, naitala ang sentro ng lindol sa layong 22 kilometers Southeast ng General Luna.

Tumama ang pagyanig dakong 1:29 ng hapon.

May lalim itong 20 kilometers at tectonic ang origin.

Dahil dito, naitala ang instrumental intensity 1 sa Surigao City.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa General Luna at mga karatig-bayan.

Ayon pa sa Phivolcs, wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...