Ilang lalawigan sa Visayas, Mindanao makararanas ng pag-ulan

PHOTO CREDIT: DOST-PAGASA/FACEBOOK

Nakataas ang heavy rainfall warning ang ilang lugar sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 2:00, Sabado ng hapon (January 2), ito ay dulot ng umiiral na low pressure area (LPA).

Nakataas ang yellow warning level sa Eastern Samar, Samar, Southern Leyte, Leyte at Biliran Island.

Dahil dito, sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.

Asahan naman ang katamtaman hanggang mabigat na pag-ulan sa Misamis Oriental (Salay, Lagonglong, Balingasag, Jasaan, Villanueva, Claveria); Agusan del Norte (Kitcharao, Jabonga); Surigao del Norte; Surigao del Sur; Davao Occidental (Jose Abad Santos, Malita, StaMaria); Sultan Kudarat (Sen Ninoy Aquino, Palimbang, Kalamansig, Lebak, Esperanza); Maguindanao (SouthUpi, Shariff Aguak, Datu Odin Sinsuat, Cotabato); Zamboanga del Norte (Gutalac, Tampilisan, Liloy); Zamboanga Sibugay (Titay, Ipil); Sulu.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa bahagi ng Camiguin; Bukidnon (Malitbog, Valencia, San Fernando, Pangantucan, Kalilangan, Quezon); Agusan del Sur; Davao Oriental (GovGeneroso, Mati); Davao de Oro (Monkayo, Compostela), Davao del Norte (NewCorella,  SanIsidro, BEDujali); Sarangani (Glan, Maasim); Lanao del Sur; North Cotabato (Antipas, Arakan), at mga kalapit na lugar.

Sinabi ng weather bureau na mararanasan ito sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...