Ambuklao at Binga dam nagpakawala ng tubig

Parehong nagpakawala ng tubig sa Ambuklao dam at Binga dam.

Ayon sa PAGASA bandang 9:00, Sabado ng umaga (January 2), nasa 751.48 meters ang lebel ng tubig sa Ambuklao dam dakong 6:00 ng umaga.

Dahil dito, isang gate nito ang nakabukas para magpakawala ng tubig.

Samantala, nasa 574.49 meters naman ang water level sa Binga dam bandang 6:00 ng umaga.

Isa ring gate ang nakabukas sa naturang dam.

Kasunod nito, binalaan ang mga residente sa bahagi ng Barangay Dalupirip at Tinongdan sa Itogon, Benguet na maging maingat dahil posibleng maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig.

Read more...