Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 1.83 milyon na

Pumalo na sa halos 1.83 milyon ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 1,835,221 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 356,445.

Sumunod na rito ang Brazil na may 195,441 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 149,205 naman ang death toll sa India habang 126,507 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Italy – 74,621
– United Kingdom – 74,125
– France – 64,765
– Russia – 57,555
– Iran – 55,337
– Spain – 50,837
– Colombia – 43,495
– Argentina – 43,319

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 84,375,006 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 59,634,932<span;> naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...