Bilang ng mga Filipino sa abroad na nagpositibo sa COVID-19 hindi nadagdagan – DFA

Hindi nadagdagan ang bilang ng mga Filipino na nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) (Huwebes, December 31), nanatili sa 12,876 na overseas Filipinos (OFs) pa rin ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 84 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,578 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ang bilang ng mga naka-recover o na-discharge na sa ospital ay nasa 8,387.

Ang bilang naman ng mga Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 ay nanatili sa 911.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na Filipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,658 na kaso.

Sumunod dito ang Asia Pacific Region na may 2,664 confirmed COVID-19 positive cases.

Nasa 1,772 naman kaso ang sa Europe at 782 sa Americas.

Read more...