Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 151 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-6:09 hapon ng Huwebes (December 31).

May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Nauna nang naitala ang sumusunod na pagyanig sa lugar:
Magnitude 3.1, 1:39AM
Magnitude 3.3, 5:03AM
Magnitude 3.3, 6:35AM
Magnitude 3.4, 7:03AM
Magnitude 3.7, 12:45PM .

Read more...