Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 220,000 pa; mahigit 3,500 pa ang nasawi

Umabot na sa lagpas 20.2 million ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 220,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa US.

Dahil dito, umabot na sa 20,202,545 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 11.9 million na ang gumaling sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 7.8 million pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 3,500 pang pumanaw sa US dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 350,429 na.

 

 

 

 

 

Read more...