Kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas, nadagdagan pa ng 146; 2 pa ang nasawi

Nadagdagan ng 146 pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,213 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC, DWHVL at Ormoc Molecular Diagnostic Center.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 9:00, Huwebes ng umaga (December 31), 11,292 na ang total confirmed COVID-19 cases sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 964 o 8.54 porsyento ang aktibong kaso.

140 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 10,199 o 90.32 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Sa ngayon ay umabot na sa 129 ang bilang ng nasawi sa rehiyon o katumbas ng 1.12 porsyento.

 

 

 

 

Read more...