Sa kaniyang mensahe ngayong Bagong Taon, sinabi ni Robredo na matitinding pagsubok ang naranasan ng bansa bunsod ng sunud-sunod na mga sakuna at kalamidad.
Sa kabila nito, muling napatunayan na “walang Pilipinong nag-iisa”.
“Gaya ng paulit-ulit na nating pinatunayan sa mga nagdaang taon: Walang Pilipinong nag-iisa. At dahil nasa isa’t isa ang ating lakas, nandito pa rin tayo; hindi tayo kinayang pasukuin ng 2020,” ayon kay Robredo.
Sa pagsalubong sa Bagong Taon sinabi ni Robredo na magiging mas malalim ang pagdiriwang at mas maluwang ang pahinga sa pagsasara ng taong 2020.
Paalala ng bise presidente, sa pagpapalit ng kalendaryo ay hindi pa mawawala ang virus.
Dahil dito, hinikayat niya ang bawat isa na patuloy na mag-ingat at sumunod sa health protocols.