LOOK: Pamilya ng pulis na nasawi sa operasyon sa Caloocan, tumanggap ng tulong-pinansyal

Personal na bumisita si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas sa burol ng tinaguriang ‘hero cop’ na si P/Cpl. Dexter Rey Teves.

Si Teves ay pumanaw matapos maka-engkwentro ang dalawang drug suspect sa Caloocan City habang nagsasagawa ng Oplan Sita.

Nakiramay si Sinas sa pamilyang naulila ng pulis.

Iniabot din ni Sinas sa naulilang pamilya ni Teves ang tulong-pinansyal mula sa PNP.

 

 

Read more...