Nangangahulugan ito ayon sa PAGASA na matinding buhos ng ulan ang nararanasan sa nasabing mga lugar na magpapatuloy sa susunod na mga oras.
Sa inilabas na rainfall warning alas 8:00 ng umaga ngayong Huwebes, Dec. 31, red warning level na ang nakataas sa Kalayaan Islands sa Palawan dahil sa pag-ulang dulot ng Tail-End of a Frontal System.
Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, alas 8:30 ng umaga ay red warning level na din ang nakataas sa Camarines Norte.
Balala ng PAGASA, maaring makaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng nararanasang malakas at patuloy na pag-ulan.
READ NEXT
Health workers, frontliners binigyang pagpupugay ni CJ Diosdado Peralta sa kaniyang New Year message
MOST READ
LATEST STORIES