Sa kaniyang mensahe ngayong Bagong Taon, sinabi ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na sa pagpasok ng taong 2021, nawa ay magpatuloy ang pagkakaisa at social responsibilities ng mga Filipino upang makabangon sa naging epekto ng pandemya ng COVID-19.
Binigyang pagkilala ni Peralta ang mga health worker at frontliner na nagsisilbing mga bayani ngayong may krisis sa bansa.
Tinawag din niyang “heroes” ang mga mahistrado, hukom, court officials at employees na nagpatuloy sa dedikasyon sa kanilang trabaho ngayong may pandemya.
Ipinakita aniya ng mga kawani ng korte na hindi hadlang ang pandemya para maibigay ang hustisya.
Sa kabila ng pandemya sinabi ni Peralta na nawa ay manatiling puno ng pag-asa ang bawat isa para sa hinaharap.