Libre ang toll sa SMC Tollways at Metro Pacific Tollways mula mamayang gabi hanggang bukas ng umaga

Gaya ng nakagawian taun-taon libre ang toll sa mga expressway na pinatatakbo ng San Miguel Corporation Tollways ngayong Bagong Taon.

Ayon kay SMC President at COO Ramon Ang, taun-taon itong ginagawa ng SMC Tollways ay mas may dahilan ngayon taon na ipatupad ito lalo pa at napakaraming pagsubok ang pinagdaanan ng bansa.

Simula alas 10:00 ng gabi ngayong araw December 31 hanggang alas 6:00 ng umaga bukas January 1 ay libre ang toll sa SMC Tollways.

Kabilang dito ang STAR Tollway, SLEX, Skyway, NAIAX at TPLEX .

Samantala, may handog din na libreng toll ngayong araw sa mga expressway na pinatatakbo ng Metro Pacific Tollways.

Kasama dito ang NLEX, SLEX, Cavitex at Calax.

Walang babayarang toll ang mga motorista ngayong Bisperas ng Bagong Taon.

Epektibo ang libreng toll fee mula 10:00 ng gabi mamaya hanggang 6:00 ng umaga bukas.

 

 

 

Read more...