Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 212.04 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (December 31) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 212.33 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na sa 100.73 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 100.87 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nabawasan din na nasa 79.58 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 79.61 meters.

Ang water level ng Ambuklao, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan, nabawasan naman ang Binga at Caliraya dams habang ang antas ng tubig ng San Roque dam ay nanatili sa 278.45 meters.

Patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Binga dam.

Read more...