Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 13 kilometers northwest ng bayan ng Sarangani, alas-6:35 umaga ng Huwebes (December 31).
May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Nauna nang naitala ang sumusunod na pagyanig sa lugar:
Magnitude 3.1, 1:39AM
Magnitude 3.3, 5:03AM
Ang lindol ay aftershock ng magnitude 6.2 na pagyanig noong December 16.
READ NEXT
Nurse sa California nagpositibo sa COVID-19 higit isang linggo matapos mabakunahan ng Pfizer vaccine
MOST READ
LATEST STORIES