Ang 45-anyos na nurse na tinukoy lamang bilang “Matthew W.” ay tumanggap na ng bakuna ng Pfizer.
Nagtatrabaho siya sa dalawang local hospitals sa California.
Maliban sa bahagyang pamamaga ng lugar na binakunahan sinabi ni Matthew na wala namang ibang side effects sa kaniya ang bakuna.
Anim na araw ang nakalipas matapos siyang mabakunahan, nakaranas ng muscle pain at panghihina pag-uwi niya galing sa shift sa COVID-19 unit.
Nang magpasuri siya ay nagpositibo siya sa COVID-19.
Ayon kay Christian Ramers, infectious disease specialist sa Family Health Centers ng San Diego, hindi nakapagtataka ang nangyari sa nurse.
Dahil noong clinical trial ng bakuna, 10 hanggang 14 na araw ang kailangan para mag-develop ang proteksyon sa matuturukan nito.
Ayon kay Ramers, ang unang shot ng bakuna ay makapagbibigay ng 50 percent ng proteksyon at ang second dose ay makapagbibigay ng hanggang 95 percent protection.