Pacquiao mas ginanahan sa sparring dahil sa desisyon ng Comelec

pacquiao
Inquirer file photo

Ikinatuwa ni Pinoy Boxing Icon Manny Pacquiao ang posisyon ng Commission on Elections o Comelec ukol sa hirit na itigil ang kanyang laban kay Timothy Bradley sa April 9.

Batay sa pahahag ni Comele Chairman Andres Bautista, walang kontrol ang komisyon na ipahinto ang boxing match ni Pacquiao lalo’t wala namang naghain ng pormal na reklamo.

Sa mensahe ni Pacquiao na ipinadala sa Kamara, sinabi nito na masaya siya na nakakuha siya ng paborableng pasya mula sa Comelec.

Lalo aniya siyang na-motivate para magsanay na husto upang makamit ang tagumpay sa huling boxing fight niya.

Dagdag ni Pacquiao, hindi lamang para sa kanyang personal glory ang desisyon ng Comelec, kundi para bigyang karangalan ng buong sambayang Pilipinas at purihin ang Panginoon sa pamamagitan ng sports.

Nilinaw naman ni Pacquiao na mas gusto niyang tutukan ng media ang kanyang ikatlong laban kay Bradley kumpara sa kanyang ginagawang pangangampanya.

Sa katunayan, ani Pacquiao, ay hiniling niya sa mga mamamahayag na isantabi ang politika at magfocus lamang sa kanyang boxing match.

Nauna nang iginiit nina Dating Akbayan PL Rep. Walden Bello at Dating Senador Rene Saguisag na ang international at local media coverage sa Pacquiao-Bradley trilogy ay magbibigay lamang kay Pambansang Kamao ng undue advantage kumpara sa iba pang senatoriables.

Read more...