Comics ni Roxas tinapatan ng mga memes sa social media

sa gitna3Trending ngayon sa social media ang memes o ang nakatatawang version ng comic strip na may titulong “ Sa gitna ng unos” na nagtatampok sa umano’y kabayanihan ni dating Interior Sec. Mar Roxas sa kasagsagan ng pananalsa ng bagyong Yolanda.

Nauna nang sinabi ng Liberal Party sa kanilang pahayag na mga taga-suporta ni Roxas ang nasa likod ng paglimbag sa nasabing comics na ipinamamahagi bilang campaign material sa halalan.

Ibat-ibang mga larawan ng nasabing comics ang naglabasan ngayon sa social media na ayon sa ilang netizens ay kabaliktaran ng ipinagmamalaking kabayanihan ng naturang presidential candidate.

Pati ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay naglabas na rin ng pahayag kaugnay sa nasabing comics ni Mar Roxas.

Sinabi ni Caritas Philippines executive secretary Fr. Edwin Garinguez na nakakahiya at kasinungalingan ang nilalaman ng kwentong gustong palutangin ng Liberal Party.

Ang nasabing 16-page comics ay naglalaman ng ibat-ibang mga “exploits” ni Roxas kung saan kasama dito ang kanyang pamumuno sa DOTC, DILG at ang pag-endorso sa kanya ng Pangulo bilang official candidate ng administrasyon sa susunod na eleksyon.

Read more...