Bilang ng mga nakarecover sa Muntinlupa City nasa 4,890 na

Nadagdagan ang bilang ng mga naka-recover sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Muntinlupa.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government (Miyerkules, December 30) nasa 4,890 ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa COVID-19.

Ang bilang ng active cases sa lungsod ay 35.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nadagdagan ng isa kaya ito ay umabot na sa 167.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod ay 5,092.

Samantala ang bilang ng probable ay 148 habang 22 naman ang suspected.

 

 

Read more...