Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 16 kilometers southwest ng bayan ng Sarangani, ala-1:39 umaga ng Huwebes (December 31).

May lalim na 22 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Walang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.2 na lindol sa lugar noong December 16.

Read more...