BREAKING: Bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa umabot na sa 472,532 – DOH

Tumaas pa ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa.

Ayon sa huling datos ng Department of Health (DOH), 1,014 ang bagong naitalang kaso ngayong araw ng Miyerkules (December 30) kaya umabot na sa 472,532 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa bansa.

518 naman ang bagong naitalang gumaling o naka-recover na sa COVID-19 sa bansa kaya umabot na ito sa 439,509.

Ang bilang naman ng nasawi ay nadagdagan ng 68 kaya umabot na ito sa 9,230.

Narito naman ang ilang mga probinsya at siyudad na may mataas na naitalang kaso ngayong araw:
Quezon City – 67
Benguet – 57
Makati City – 48
Bulacan – 44
Laguna – 40

Paalala naman ng DOH ngayong bagong taon ay dapat ay dapat umiwas sa paputok dahil sa dulot na peligro nito sa ating katawan at polusyon sa kalikasan at laging tandaan ang pagsusuot ng face mask at face shield sa mga pampublikong lugar at iwasan din ang pakikihalubilo sa maraming tao.

Read more...