COVID-19 vaccine na ginamit sa mga tauhan ng PSG, smuggled ayon kay Lorenzana

Aminado si Defense Sec. Delfin Lorenzana na ‘smuggled’ ang mga COVID-19 vaccine na itinurok sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

Sa panayam kay Lorenzana sa Rizal Day rites sa Rizal Park, sinabi niyang smuggled ang mga bakuna dahil hindi otorisado ang pagpasok nito sa bansa.

Paliwanag ni Lorenzana, tanging ang Food and Drug Administration (FDA) ang may otorisasyon sa pagpasok at paggamit ng mga COVID-19 vaccine.

Sa kaniyang panig, sinabi ni Lorenzana na hindi siya papayag na maturukan ng bakuna laban sa COVID-19 ang mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines hangga’t walang otorisadong bakuna.

 

 

 

Read more...