Coast Guard nagdagdag ng mga gamit sa isinasagawang search and retrieval operations sa mga nawawalang minero sa Toledo City

Nagdagdag pa ng kagamitan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa nagpapatuloy na search and retrieval operations sa mga nawawalang minero sa Toledo City, Cebu.

Dagdag na K9 SAR Team at iba pang gamit ang dumating sa lugar para pagpapatuloy ng operasyon.

Hanggang kahapon, Dec. 29 ay nananatiling anim ang nawawalang minero.

Apat naman ang naitalang nasawi.

Naganap ang landslide sa Copper pit mining sa Toledo City noong Dec. 21

Inilikas na rin ang mga residenteng naninirahan sa 500-meter radius mula sa minahan.

 

 

Read more...