Sen. JV Ejercito at iba pang opisyal ng San Juan, kinasuhan sa Sandiganbayan

jv-ejercitoIsinampa na ng Office of Ombudsman sa Sandiganbayan ang mga kasong kriminal laban kay Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito at 19 na pawang dati at incumbent San Juan City officials.

Sa impormasyong inihain ng Ombudsman sa Sandiganbayan, mga kasong graft at illegal use of public funds ang kinakaharap ng mga akusado.

Nag-ugat ang kaso sa umano’y diversion ng P2.1 million na calamity fund ng pamahalaan ng San Juan, kung saan ginamit ang naturang pondo sa pagbili ng high-powered firearms para sa San Juan PNP noong 2008 kung kailan alkalde pa ng lunsod si Ejercito.

Kabilang sa mga co-accused ni Ejercito ang miyembro ng Bids and Awards Committee na si City Administrator Ranulfo Dacalos; Rosalinda Marasigan, treasurer; Romualdo Delos Santos, City Legal Officer; Lorenza Ching, Budget Officer; at Danilo Mercado, City Engineer.

Ang co-respondents ni Ejercito sa illegal use of public funds ay sina: Vice Mayor Leonardo Celles, at labing tatlong konsehal kabilang si Vice Mayor Francis Zamora, na dating konsehal.

Batay sa resolution ng Ombudsman, inaprubahan ng Sanggunian Panglungsod sa pamamagitan ng isang city ordinance, na authorized si Ejercito sa pagbili ng tatlong K2 caliber 5.5 mm sub-machine guns at 17 units ng Daewoo modelk1 al. 5.56 sub machine guns na nagkakahalaga ng P2.1 million.

Ayon sa Ombudsman, ang mga naturang high-powered firearms ay hindi naman gamit para sa disaster relief.

Bukod dito wala naman umanong deklarasyon na nalagay sa state of calamity ang bayan ng San Juan.

Hindi din umano ito dumaan sa public bidding, at nagkaroon ng iregularidad sa bidding process.

P6,000 ang piyansang inirekomenda para sa kasong illegal use of public funds, samantalang P30,000 naman para sa kasong graft./ Isa Avendaño-Umali.

 

Read more...