Ayon kay senatorial candidate at dating MMDA Chairman Francis Tolentino na dapat ay magtayo ng dagdag na mga rehabilitation center sa bansa para matugunan ang problema sa drug addiction.
Sinabi ni Tolentino na maisasakatuparan ito kung bibigyan ng oportunidad ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na makipagkasundo sa Department of Health (DOH) na siyang may mandato na magtayo ng rehab centers.
Sinabi pa ni Tolentino na dapat ikunsidera ng susunod na administrasyon ang pagpapatayo ng Regional Drug Rehab Centers dahil aniya ay lubhang magastos ang serbisyo sa mga private rehabilitation facilities.
Dagdag pa ng senatorial candidate panahon na rin para makibahagi ang naglalakihang religious groups sa rehabilitation network.
Pabor din si Tolentino na maibalik ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga mahahatulan sa mga karumal-dumal na krimen kasama ang drug related crime incidents dahil sa shabu.