Phivolcs, nakapagtala ng volcanic quake sa Mt. Kanlaon sa nakalipas na magdamag

mt kanlaonHindi pa rin normal ang sitwasyon ng Mt. Kanlaon matapos itong makapagtala ng pagbuga ng abo kagabi.

Sa datos ng Phivolcs, may nairekord silang volcanic quake sa nasabing bulkan mula kagabi hanggang kaninang madaling araw.

Sa bulletin na inilabas ng Phivolcs, mula alas 10:38 ng gabi kagabi hanggang ala 1:30 ng madaling araw kanina ay nakapagtala sila ng dalawang episode ng volcanic tremor.

Pinayuhan na ng Phivolcs ang mga residente na iwasan ang pagpasok sa 4 kilometer danger zone ng bulkan, habang ang mga sasakyang panghimpapawid ay inabisuhan na mapanganib dumaan sa lugar habang nagpapakita ito ng abormalidad.

Alas 6:20 kagabi nang magbuga ng abo ang bulkan kasabay ng ‘rumbling sounds’ mula sa crater nito na tumagal ng 12-minuto.

Ayon sa Phivolcs, may traces ng ash fall na nakita sa Sitrio Quintubdan, Barangay Ara-al, La Carlota City sa Negros Occidental matapos ang aktibidad ng bulkan kagabi.

 

Read more...