Paggunita sa Rizal Day pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno sa Rizal Park

Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang paggunita ng ika-124 na anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal ngayong araw.

Ginugunita ngayon ang anibersaryo ng kamatayan ni Jose Rizal kung saan siya binaril sa Luneta Park.

Nagsagawa ng programa sa Rizal Park sa pangunguna ni Moreno at Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Nag-alay sila ng mga bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal.

Kasama din sa aktibidad si Air Force commander Lt. Gen. Allan Paredes.

 

 

 

Read more...