Health Professional Alliance nanawagan sa pamahalaan sa transparent na paggamit ng COVID-19 vaccines

Nanawagan ang alyansa ng mga health professional na sa pamahalaan na maging transparent sa isyu sa COVID-19 vaccines.

Ang Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 ay binubuo ng mahigit 160 na health professions organizations sa bansa.

Ayon sa grupo nakakaalarma ang mga balitang may mga tumanggap na ng bakunang hindi pa rehistrado sa FDA.

Anila mahalagang maging transparent ang pag-distribute ng bakuna sa sandaling maaprubahan na ito dahil nangangailangan ang bakuna ng mabusising storage at transportation.

Apela ng grupo, tugunan ng gobyerno ang mga concern hinggil sa pagpapabakuna na ng mga PSG at miyembro ng gabinete dahil ito ay importanteng usapin.

 

 

 

Read more...