Calayan, Cagayan niyanig ng magnitude 3.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang Calayan, Cagayan.

Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay naitala sa layong 16 kilometers northwest ng Calayan, alas 7:18 ng umaga ngayong Miyerkules, Dec. 30.

17 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.

Samantala, niyanig din ng magnitude 3.0 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental.

Ang epicenter ng lindol ay naitala alas 7:20 ng umaga sa layong 9 kilometers southwest ng Sarangani.

11 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic din ang origin.

Ayon sa Phivolcs, aftershock ito ng magnitude 6.2 na naitala sa Sarangani noong December 16.

 

 

Read more...