Nangako ng suporta ang apat na Aeta tribes associations mula sa Pampanga kay vice presidential candidadate, Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
Sa kaniyang Pampanga “Unitiy Caravan” unang binisita ni Marcos ang Marcos Village sa Mabalacat, Pampanga.
Sa nasabing lugar napagkalooban ng bahay ang mga Aetas noong dekada 70 na panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Kasama ni Marcos na nagtungo sa lugar si Mabalacat Mayor Marino “Boking” Morales kung saan sila sinalubong ng mga miyembro ng Samahan Angkan ng Katutubo (SAKA), Mabalacat Aeta Tribal Association (MATA), Bamban Aeta Tribal Association (BATA), at Tribal Elders.
Ayon kay Edgar Palo, miyembro ng board of trustees ng SAKA, iboboto nila si Marcos para matiyak na magpapatuloy ang mga proyekto ng kaniyang ama. “Tiwala kami kay Senator Bongbong na tulad ng kanyang ama, magiging malapit sa puso niya ang mga katutubong Aeta na tulad namin,” ayon kay Marcos.
Ayon sa iba pang lider ng tribo, ang senador ang uri ng lider na maaring sandalan ng mga indigenous people. “Alam naming maaasahan namin siya (Marcos) kaya hindi pwedeng hindi naming siya iboto,” ayon kay Manuel de Vera, vice president ng BATA.
Kasama rin ni Marcos na bumisita sa lugar ang kaniyang dalawang anak na sina Simon at Vincent at kapatid na si Irene Marcos-Araneta.
Pinasalamatan naman ng senador ang Aeta communities sa kanilang suporta. “Kayo po ay napaka-importanteng aspeto ng ating kasaysayan bilang Pilipino at makakaasa kayo na patuloy ang ating magiging suporta sa inyo,” ani Marcos.