UK at Brazil kapwa nakapagtala ng mahigit 50,000 kaso ng COVID-19 sa magdamag

Kapwa nakapagtala ng mahigit 50,000 bagong kaso ng COVID-19 sa magdamag ang United Kungdom at Brazil.

Mahigit 56,000 ang bagong kasong naitala sa Brazil dahilan para umabot na sa 7,563,551 ang total confirmed cases ng sakit sa nasabing bansa.

Nakapagtala din ng mahigit 1,000 pumanaw sa Brazil kaya umabot na sa mahigit 192,000 ang death toll nito.

6.6 million na ang gumaling sa COVID-19 sa Brazil at 723,000 pa ang active cases nito.

Samantala, nakapagtala naman ng mahigit 53,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa United Kingdom sa magdamag.

Umabot na sa 2,382,865 ang kabuuang kaso ng sakit sa nasabing bansa.

Nakapagtala naman ng mahigit 400 na bagong bilang ng nasawi sa UK sa magdamag.

 

 

Read more...