Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 212.33 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (December 30) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 212.61 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na sa 100.87 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 100.95 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan na nasa 79.61 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 79.58 meters.

Ang water level ng Ambuklao, Binga at Pantabangan dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang San Roque, Magat at Caliraya dams.

Nagpapakawala naman ng tubig ang Magat dam.

Read more...