US Vice President-Elect Kamala Harris nabakunaha na kontra COVID-19

Tumanggap na ng COVID-19 vaccine si US Vice President-Elect Kamala Harris.

Ang pag-administer ng bakuna ay ginawa kay Harris sa United Medical Center.

Ibinahagi ni Harris sa kaniyang Twitter ang larawan ng kaniyang pagpapabakuna.

Ayon kay Harris nagpapasalamat siya sa mga health care workers, scientists, at researchers na nasa likod ng pagkakaroon na ng bakuna laban sa sakit.

“Today I got the COVID-19 vaccine. I am incredibly grateful to our frontline health care workers, scientists, and researchers who made this moment possible,” ayon kay Harris.

Hinimok din nito ang mga mamamayan na magpabakuna laban sa COVID-19.

 

 

Read more...