PAL naglabas na ng abiso sa mga pasaherong galing sa mga bansang sakop ng travel ban

Hindi na tatanggap ng dayuhang pasahero ang Philippine Airlines mula sa mga bansang sakop ng ipinatutupad na travel ban ng Pilipinas bunsod ng bagong variant ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng PAL, nakasaad na tanging mga Filipino lamang, kanilang asawa at anak ang papayagang sa kanilang mga flight galing sa mga bansang sakop ng ban.

Epektibo ito ngayong araw Dec. 30 hanggang Jan. 15, 2021.

Sakop ng travel ban ang mga bansang Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, the Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain at United Kingdom.

Ang mga Filipino citizens, kanilang asawa at anak na galing sa nasabing mga bansa ay papayagan pa ding bumiyahe pauwi ng Pilipinas pero sasailalim sila sa 14-day quarantine.

Samantala, inanunsyo din ng PAL na kanselado na ang kanilang mga biyahe patungong Jakarta mula Jan. 1 hanggang 14, 2021.

Kasunod ito ng utos ng Indonesian government na pagsasara sa kanilang borders.

 

 

 

Read more...