Warehouse tinupok ng apoy sa Marilao, Bulacan

Tinupok ng apoy ang isang warehouse sa Marilao, Bulacan.

Nagsimula ang sunog alas 12:36 ng madaling araw kanina (Dec. 30) sa bahagi ng Barangay Frenza Uno.

Itinaas sa ikalawang alarma ang sunog.

Ayon kay Marilao Mayor Ricardo Silvestre, dalawang bodega na ang nadamay sa sunog.

Patuloy pang inaapula ang apoy at inaalam kung ano ang pinagmulan ng sunog.

 

 

 

Read more...