Ang LPA ay huling namataan sa layong 1,275 east ng Mindanao.
Sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, maulap na papawirin na may pag-ulan ang mararanasan sa Batanes, Babuyan Islands at Ilocos Norte dahil sa Amihan.
Tail-End of Frontal System naman ang magpapaulan sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon at Bicol Region.
Ngayong maghapon ayon sa PAGASA, bababa ang tail-end ng frontal system at magdudulot ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.
Magdudulot naman ng pag-ulan ang trough ng LPA sa Eastern Visayas, Caaraga at Davao Region.
Habang isolated na mga pag-ulan lamang ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.