COVID-19 cases sa Western Visayas, nasa 21,498 na

Nagpositibo ang 50 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang December 29, umakyat na sa 21,498 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

790 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 76.28 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

190 naman ang gumaling pa kaya 20,136 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umabot naman sa 652 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...