Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang December 29, nanatili sa 12,875 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 84 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,578 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Nasa 10 naman ang bagong gumaling kung kaya 8,386 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala namang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 911 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,658 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,772 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 781 naman ang kaso sa Americas at 2,664 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.