Batay sa kaniyang Facebook post, Lunes ng gabi (December 28) nang lumabas na positibo siya sa nakakahawang sakit matapos sumailalim sa routine swab test.
“Pinapakita lang nito kung gaano katindi ang COVID-19 at lahat ay pwedeng tamaan,” pahayag nito.
Ibinahagi pa nito na mula nang ipatupad ang ECQ ay regular pa rin siyang pumapasok upang hindi maantala ang serbisyo ng MMDA sa kalakhang Maynila.
Ani Lim, negatibo naman ang kaniyang asawa at anak sa COVID-19.
Nananatili namang mild ang nararamdaman nitong sintomas at mahigpit na sinusunod ang payo ng mga doktor.
Patuloy aniya siyang sasailalim sa self-isolation.
Sinabihan na rin aniya ang lahat ng mga taong nagkaroon ng close contact sa kanya noong nakaraang linggo na i-monitor ang mga sarili at mag self-isolate nang 14 days.
“Sa kabila nito, tulad ng ginagawa ko ngayong araw, patuloy akong magtratrabaho remotely at magsasagawa ng mga meetings via teleconference para masigurong hindi maaantala ang anumang mga operasyon sa opisina na kailangan sa panahon ngayon,” dagdag ni Lim.
Payo naman nito sa publiko, “Patuloy na mag-ingat ang lahat at bigyang prayoridad ang inyong kalusugan. Sumunod tayo palagi sa health protocols para mapangalagaan ang ating mga sarili pati ang mga nasa paligid natin.”