BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 471,526

Halos 1,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (December 29), umabot na sa 471,526 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 23,348 o 5.0 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 886 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

80.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 10.6 porsyento ang asymptomatic; 0.44 porsyento ang moderate; 3.1 porsyento ang severe habang 5.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 38 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 9,162 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 253 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 439,016 o 93.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...