Aplikasyon para sa clinical trial ng COVID-19 vaccine ng Johnson & Johnson aprubado na ng FDA

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagsasagawa ng clinical trial para sa COVID-19 vaccine ng Janssen na pag-aari ng Johnson & Johnson.

Sa virtual forum ng Department of Health (DOH) sinabi ni FDA Director General Eric Domingo tatlong aplikasyon para sa clinical trial ang natanggap ng FDA.

Dalawa dito ang nakabinbin pa at sumasailalim pa sa evaluation ng ahensya – ang bakuna ng Clover Biopharmaceuticals at Sinovac na parehong mula sa China.

May mga hinihintay pa aniyang dokumento mula sa dalawang kumpanya.

Inaasahan namang sa susunod na taon ay magsisimula na ang clinical trial ng Janssen.

 

 

 

Read more...