Sinabi ni Senator Christopher Go pinag-aaralan na ng ilang mambabatas at finance managers ang pagsusulong ng Bayanihan 3 bunga ng nadiskubreng bagong strains ng COVID 19.
Dagdag pa ni Go, ang pinag-aaralan Bayanihan 3 ay ang paghuhugutan ng pangtulong sa mga nawalan ng trabaho at sa mga nagsi-uwian ng probinsiya para makapagsimula ng panibagong kabuhayan.
“Kung may pera po, possible ‘yan (Bayanihan 3). Kakausapin ko si Secretary Dominguez… kung talagang hirap tayo ngayong darating na taon, kung mayro’n pong posibilidad… kakausapin ko pa po na sana po’y magkaroon tayo ng Bayanihan 3,” ayon sa senador.
Dagdag pa nito, kakausapin niya si Pangulong Duterte para sa posibleng pagsusulong ng Bayanihan 3
“Kung saka-sakali, kakausapin ko rin po si Pangulo, kung mayro’n naman silang pagkukunan, siguro sa mga susunod na buwan ay maaaring pag-aaralan po na magkaroon tayo ng Bayanihan 3,” sabi pa ni Go.