Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 176 kilometers southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-9:46 umaga ng Martes (December 29).

May lalim na 10 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Nauna nang niyanig ng magnitude 3.2 na pagyanig ang lugar kaninang alas-5:06 ng umaga.

Read more...